Wednesday, March 4, 2009

CONGRATS New EVP!



Hay sa wakas natapos na din ang botohan! Masaya dahil nanalo ako pero malungkot ako para sa mga natalo! Ang gulo ko noh! Ayun, salamat sa lahat ng mga bumoto sakin!

Pagbalik ko sa DORM, sinurprise ako ng mga ROOM MATES ko! Nagprepare pa sila ng BANNER for ME! Thank you very much to THEM (Ate Lance, Mervick, Aileen, Rhea and Rona). Oh tingnan nyo na lang ginawa nila para sakin!


Nakakaloka yung SURPRISE nila kc pagkatok ko hindi nila agad binuksan. Tpos, nung binuksan na nila, SARADO ang ILAW. Pagkatingin ko may kandila sa baba nung banner! Nung binuksan ko na ung ilaw at pumasok na ako, bigla silang sumugod at nilagyan nila ako ng kunyaring korona, kunyaring garland pero kwintas lang yun, may bouquet of flowers pa! Sinabit nila sakin ung ID ko last year sa Campaign at ung smiley na ginamit ko ngaun. Tapos may hinagis pang kunyaring confetti... HAY Nakakatouch talaga yung ginawa nila... THANK YOU VERY MUCH Rm.301 GIRLS! I LOVE YOU ALL!


Sunday, March 1, 2009

CHALLENGING WEEK EVER!

MONDAY. Pagpasok pa lang ng week, nakakastress na kc gumawa kami ng CAMPAIGN Paraphernalia sa dorm...
MY CAMPAIGN ID
(RACH for EXTERNAL VP)

at ang FLYER na GREEN!

Top: QUADRANTS
Bottom: 12 Individual Pics w/ Descriptions


TOP: Platforms
MIDDLE: CIRCLE Line-up
BOTTOM: TARP pics

TUESDAY. Pangalawang ARAW, unang SABAK sa CAMPAIGN... Sabagay hindi na rin naman BAGO sakin ang ganitong SITWASYON pero infairness kinabahan pa rin naman ako... Itong araw na ito ko pinerform ang ACUPUNTURE CHALLENGE (nasa NAUNANG POST ko ung mga PICS) ko!

WEDNESDAY. May QUIZ3 sa UNIT OPS... Eh kumusta nman ung TWO-ITEM exam na un di ba ang HIRAP nya ha... Mejo DUMUGO ang UTAK ko dun... Wla naman kami CAMPAIGN ng araw na un kc mag-aaral kami sa STOICH prelims...

THURSDAY. Ang pinakahihintay ng LAHAT na sana HINDI na lang DUMATING... STOICH PRELIMS... Ung unang 2 numbers keri pa lang... Pero pagdating sa SOLID FUELS kumusta naman ayaw magpahanap ng COMBINED WATER at MOISTURE na yan... DULONG AT CALDERWOOD EQUATIONS lang pala ang KATAPAT!

FRIDAY. ISA pang CHALLENGING EXPERIENCE ang ginawa namin ni MERVICK! Ang tsenen....

Ang UMAATIKABONG ROCK CLIMBING at RAPELLING...

SPONSORED BY:


POCARI SWEAT Models

ETO NA!

READY!


GO!


OOPS! POSE Muna!


O yan MALAPIT NA!


Hay SALAMAT! NakaAKYAT din sa WAKAS!

Hay kumusta nman sa ROCK CLIMBING ko di ba? Ang dulas ng mga BATO kc umuulan ng TIME na yan... Pero KERI pa rin! KELANGAN maabot ang TUKTOK para magawa ko ang PINAKAMIMITHI kong RAPELLING! Woooohhooooo! SA WAKAS!

ETO NA TALAGA!


READY!



GO!



POSE MUNA ULET! (Magkaibang anggulo pa yan ha!)


MALAPIT NA!


HAY ANG SAYA!

SALAMAT nga pala sa mga nag-assist samin ni Mervick para maISAKATUPARAN namin ang AKING PANGARAP!


At syempre ngaun na ang LAST day ng CAMPAIGN kaya naman SUPER NILAGARE na namin ang pagcCAMPAIGN wahaha...

CIRCLE and SHIFT PARTY

At ANG PINAKAHIHINTAY ng LAHAT.... ANG MITING DE AVANCE....DUG3x...

TEAM CIRCLE
NAKAKAKABA talaga pero ayun KERI lang din naman! Ang gagaling sumagot ng mga LOWER YEARS!


SATURDAY. Ang EXAM sa CHEVRON sa MAKATI...

AYUN challenging din to kc sobrang kulang yung time... SA HULI malamang di ako nakapasa... Computer-generated kc ung exam tapos may TIME LIMIT... KERI lang na HINDI ako PUMASA kasi baka MADESTINO pa ako sa MALAYONG LUGAR eh HINDI ko naman kaya ISACRIFICE ung THESIS namin...

Di bale NAKAPANUOD naman kami ni IAN ng KABUGAN ng TEATRO TOMASINO...

O di ba NAGBONDING pa kami B4 ELECTION! Kinagabihan, DAHIL HINDI AKO NATANGGAP sa CHEVRON, may mapag-oOJThan na CGURO ako sa TULONG ng aking PINSAN... GUSTO ko kasi sana na sa LAGUNA ako magOJT kasi malapit lang sa MANILA...

SUNDAY. Eto dahil CHALLENGES ang napili kong TOPIC for this POST, nahirapan tuloy ako sa napakahabang POST na ito... Kumusta naman un di ba? SANA lang nagustuhan nyo di ba?...

Thursday, February 26, 2009

Challenge: ACUPUNTURE!!!

Nakakaloka! Nung una ayaw ko talaga magpalagay ng mga NEEDLES sa katawan pero samin lahat sa room sa dorm ako ang may pinakamaraming tusok sa katawan wahaha...

At ito po ang mga pics ng aking CHALLENGE:

SA MAY BALIKAT

SA KAMAY
at

SA PAA

May SA ULO pa nga yan eh kaya lang hindi na nakuhanan ng shot hehe... Nakakakaba sa una pero keri lang! Nakakawala ng STRESS kahit papano... Try nyo din to minsan! wahehe

Sunday, February 22, 2009

TAGLINES MANIA!!!

Eto Na Po Ang Mga GAGAMITIN Kong TAGLINES Sa Darating Na Election!


Ngayong taon, si MADAM mas MARARAMDAMAN!

Vote RACHELLE! Vote CIRCLE!

Smile with CIRCLE! Smile with RACHELLE!

Kay RACHELLE MANALO,
ang BOTO mo ay siguradong PANALO!




Sa PLATFORMS naman:

OJT Assistance:

"RACHELLE will make SURE your FUTURE!"


ASTS(Academic Standing Transparency System):

"
STUDY hard to be on the TOPLIST!
CONSIDER Rachelle in your VOTELIST!"


and lastly,

RACHELLE MANALO, VP for External AfFAIRs,
will always be FAIR!


OK BA?
(Pwede kayong magcomment!)


TAGLINE Ko nung ChES Election 2008


Yan ang TAGLINE ko last ChES Election! Infairness pumatok sya dati! Eh anu naman kaya ngaun ang papatok na TAGLINE ko?! Goodluck sakin! Hahaha Madali lang naman gawan ung pangalan ko eh... Sa next BLOG ko na lang irereveal ang mga bago kong TAGLINES!

GOOD LUCK SA LAHAT NG CANDIDATES SA ChES ELECTION 2009!

Scandal Video



Actually hindi talaga yan super scandal video. Nakakahiya lang talaga ung mga ginawa ng mga performers! Kinuhanan ko cla ng video ng di nila nalalaman. Ang galing ko nga eh. Last sem pa yan pero tuwing pinapanuod ko yan natatawa talaga ako. HAHAHA...

Hay namimiss ko na clang lahat. Ung ibang nagperform dyan mga Electonics and Communications Engineers at CPA na at nagTOP pa sa ECE Board Exam. Congrats ulet! Ganyan kami kasaya sa DORM dati.

ADIK SA PICTURE?!

Nagcreate ako ng account sa www.slide.com kaya yan ung mga pictures ko ung pinagpraktisan ko... HAHAHA



Yun lang! ENJOY! (As if mag-eenjoy kau! haha)

P.S. May napansin ba kau sa mga pics? May nakatagong sikreto dyan! wahaha... Icomment nyo na lang pagnagets nyo na! Cge!

CIRCLE Photoshoot

Sa ARCH of the CENTURIES ng USTE kami nagfotoshoot para sa tarp namin. Eto ung kinalabasan...



Hindi naman namin pinaghandaan noh?! haha... Salamat nga pala sa aming mga photographers, Rona Oyco and Sir Chao. Ito na ang cmula ng kampanya namin. Hay sana maging maayos ang magiging resulta ng election. At sana manalo ako. Sana lang naman...

Friday, February 20, 2009

KUMIKITANG KABUHAYAN

Dahil wala naman akong ka-date nung Valentine's Day, ayun sumama na lang ako mag-usher sa Alumni Homecoming ng Engineering Batch '84. Hay alam nyo ba na nakita lang naman namin c JUN LOZADA in person. At take note, nagpapicture pa kami sa kanya dahil kasabwat namin ung mga photographers. Haha oh eto proof baka di kayo maniwala eh...


Syempre napagod kami sa pagtayo at pagentertain ng mga guests kaya nung wala ng mga tao kumain tlga kami ng bonggangbongga. Pinuno lang naman namin ang aming mga plato. Haha... After that, nagpicturan kami with Sir Chao.

Sir Chao, Jun, Me, Wilbert, Romar(nasa baba), Toto at Jes


NALUGI MODE
(Wilbert, Me, Jun, Becky, Romar, Jes at Toto)

At syempre sa huli ang nagtanggap namin ay tumatagingting na 500pesos.... Hay masaya sya infairness at sobrang nabusog pa kami. Sana may kasunod pa kaming ganitong job offer para naman may KUMIKITANG KABUHAYAN na kami. hahaha

O di ba nagpose pa hawak ang aming mga nakuhang salapi! Hahaha...

Monday, February 16, 2009

IP LAB presentations

Hay nanalurkey talaga ang IP Lab Exhibit namin nung Feb.10-11... Ang daming pumunta at tuwang tuwa ang mga prof namin sa naging resulta ng aming mga paghihirap...
At eto na po ang aming mga pinaghirapan....



Pasensya na di ako magaling gumawa ng video presentation pero pinaghirapan ko din yan ha... Ako lahat ang kumuha ng mga pics na yan. Pangit nga lang ung video dahil compressed na yan eh.Salamat sa lahat ng pumunta at natuwa sa mga ginawa namin.Sa mga nanalo congrats sa inyo!

Tuesday, February 3, 2009

Ang NABIGONG TIMPLA at LAPOT

Dahil nalate na ako nagising, malamang late ako nkarating sa skul. Sa wakas sinimulan na namin ang experimental part ng IP Lab namin. Isang oras lang naman kaming naghalo ng solution namin. Grabe talaga. At eto ang kinalabasan.....

FRONT VIEW
TOP VIEW

O yan dahil ganyan ang itsura malamang palpak ang gawa namin ngaun. Kaya naman iba na lang muna ginawa namin pagkatapos. Nagextract muna kami ng Rose Oil. And presenting our
ROSE OIL....

(Rose Petals ung nasa loob ng rectangular container)

Kumusta naman ung pagextract namin dyan. Ginamit namin ang aming mga mahiwagang kamay para pigain ang katas ng napakabangong Rose Petals. At ung nasa taas na dalawang plastic bottle ang nagawa naming Rose Oil. At eto naman ang picture ng aming grupo...

ME, Ives, Shirley and Ian(extra)

Hay sana naman ang mga susunod naming gagawin ay maging successful na... At makuha na namin ang tamang TIMPLA at LAPOT ng aming WAXIPEEL: Hair Remover Wax... The wax that lasts! O di ba sosyal! San ka pa?!


LUCKY MONDAY!

Sa tingin ko ang swerte ko kaninang Monday (1:30am Tuesday na kc ngaun). Alam nyo ba kung bakit?... O easy lang sasabihin ko na. Pumunta kaming QUIAPO kanina at nabili na namin lahat ng kelangan namin sa IP Lab. Yehey! 180 pesos lang ang nagastos namin para sa product namin. May kasama na ung plastic container para sa wax. Hay nakakaloka din ung pagpunta namin dun kc naging Tour Guide lang naman ako ng mga IPLabmates ko (Shirley and Ives). First time daw kc nila sa Quiapo. Well, dahil maraming beses n ako nakapunta dun aun ako na ang naglead ng way. After nun, sa Dangwa naman kami pumunta para sa Rose Oil na gagawin namin. Buti na lang at may mga petals na nabibili dun.Ang mahal kc nung may tangkay pa. At dahil tumulong ako sa paghihiwalay ng petals, bente pesos na lang ung binayaran namin halip na 25pesos. O di ba less 5pesos.


Pagbalik ko sa dorm, sabi nung nagbukas ng gate na may nagpadala daw ng sulat sakin. WOW! Sosh di ba? At sino naman kaya un di ba? Pag tingin ko naka FEDEX pa. Kinabahan tuloy ako pero naexcite ako kc feeling ko ung sa Thesis namin un... At tumpak! Galing kay Mr. Bruce Weiller ng Aerospace Corporation ng Los Angeles, California! Ang sosyal talaga! After two weeks and 4days (Jan16 ko kc un pinadala), sa wakas may reprint na kami ng journals na related sa thesis! Ang saya ko kc nag-effort talaga sya para lang sa aming thesis.



(Sorry putol... Pero dalawa yang reprint na yan!)


Ang sunod eh nakaakyat na din ako sa wakas sa taas ng main building ng UST. Ang ganda ng view pag nasa taas ka. At ang last at pinakagusto kong swerte eh nung nagbukas na ako ng YM ko. Bigla na lang bumulaga ang sa harap ko....

Oliver Merdegia (oli_merdegia) would like to add you in his or her of Messenger List as rachelle_manalo.

Sa sobrang pagkashock ko natulala ako sandali haha. O di ba buhay pa pala ung lalaking un! Kahit ngaun lang sya nagparamdam ok na un haha... Sayang lang at di ko naPrint screen para may proof ako (Adik ka???).

Hay kaya yan masasabi kong maganda at lucky day ang Feb2, 2009. Sana araw araw na lang lucky day noh... Wish ko lang...

MY FIRST BLOG EVER!

MY GORGEOUS PICS
(Patikim pa lang muna yan!)

Hello Philippines and hello world! (Toni?) Hello mga kabloggers! Hay naku dahil uso na ang pagbblog ngaun ayan heto na nacreate ko na din ang blogspot account ko. Kaya sana mag-enjoy ako sa paggawa ng mga blogs at mag-enjoy din kau sa mga gagawin ko. O yan ang dami ko na yata nasabi. I'm so happy dahil part na din ako ng blogspot world ngaun. O sya sya let the blogging begin!